Sino ba ang hindi nakakakilala sa taong ito rito sa Sanguilmo, sa kabayanan gayundin sa buong Lalawigan ng Rizal? Marahil ang mga bagong sibol, pero hindi sa mga taong nakasaksi kung paano nabuhay si Atty. Pat Cosep. Marami sila at isa na ako roon. Una kong nakita at nakilala si Atty. Cosep mga ganitong panahon din at tag-ulan noong 1973 para magpanotaryo ng mga kasulatan tungkol sa lupang nabili namin dalawa ng isang kapatid ko. Iyon din ang ikalawang pagkakataon na ako ay napunta rito sa San Guillermo. Twenty two pa lang ako noon at siya naman ay mga middle 30's or up na marahil. Bakas na bakas pa ang gilas niya at kabataan noon. Para sa akin, siya ang mukha ng isang matagumpay at propesyunal na taga Sanguilmo na nang mga panahong iyon ay kakaunti pa lamang sa palagay ko. Nag-aaral pa lamang noon ang isa pang matagumpay na tagarito, ang manggagamot na si Dra. Vista (De Jesus sa pagkadalaga) Gamit ang makinilya (mga dalawang dekada pa ang lilipas bago lumitaw ang PC o ...