Skip to main content

Atty. Cosep, astig pa rin at 80!



Sino ba ang hindi nakakakilala sa taong ito rito sa Sanguilmo, sa kabayanan gayundin sa buong Lalawigan ng Rizal?

Marahil ang mga bagong sibol, pero hindi sa mga taong nakasaksi kung paano nabuhay si Atty. Pat Cosep. Marami sila at isa na ako roon.

Una kong nakita at nakilala si Atty. Cosep mga ganitong panahon din at tag-ulan noong 1973 para magpanotaryo ng mga kasulatan tungkol sa lupang nabili namin dalawa ng isang kapatid ko.  Iyon din ang ikalawang pagkakataon na ako ay napunta rito sa San Guillermo.

Twenty two pa lang ako noon at siya naman ay mga middle 30's or up na marahil. Bakas na bakas pa ang gilas niya at kabataan noon. Para sa akin, siya ang mukha ng isang matagumpay at propesyunal na taga Sanguilmo na nang mga panahong iyon ay kakaunti pa lamang sa palagay ko. Nag-aaral pa lamang noon ang isa pang matagumpay na tagarito, ang manggagamot na si Dra. Vista (De Jesus sa pagkadalaga)

Gamit ang makinilya (mga dalawang dekada pa ang lilipas bago lumitaw ang PC o personal computer), hangang-hanga ako sa bilis ng kanyang mga daliri sa pagtipa sa mga letra sa keyboard at sasandali pa lamang ay tapos na ang dokumento para mapirmahan at manotaryo.

Lumipas pa ang maraming taon, nang akayin ako ni Pareng Rhex Asuncion at mapasali sa Dyaryo Sanguilmo noong taong 2003, nakita kong muli si Attorney.  Kare-retire pa lang niya noon bilang Provincial Administrator ng Kapitolyo at nagpapagaling mula sa isang heart attack.

Mula noon hanggang sa siya ay pumanaw, naobserbahan ko siya nang malapitan. Sa humigit-kumulang na 20 taon bilang legal adviser at kolumnista ng Dyaryo, lubos akong napahanga ng kanyang talino at talas ng isip.

Matagal din ang inilagi ko sa mga gawain sa upisina nganit wala ako nakitang katulad niya sa pagiging maayos sa pamamahala rito. Mapalad ako na mai-walk through niya sa kanyang silid na kung saan nakalagak ang lahat ng files ng mga kliyente niya bilang notary public. Aba, tinalo pa ang isang maayos na school library sa pagiging organized nito!

Garantisado.  Kapag lumapit ka halimbawa sa kanya at magtanong tungkol sa lupa mo na hawak niya, wala pang limang minuto ay dala na niya ang folder mo mula sa kanyang file room.

Ayon sa kuwento ng kanyang butihing maybahay na si Ka Rosing, hangggang sa huling araw bago siya bawian ng buhay, may hinarap pa raw siyang kliyente at ginawan ng dokumento!

Taong 2017 nang sinimulan ko ang draft ng hindi agad natapos na akdang ito at si Atty. ay buhay pa noon. Marahil nasa gulang na 80 na siya noon, ayon sa file photo na naka upload dito sa blog. At that time, nasa peak pa ang buhay ni Attorney.

Bilang mungkahi, sa pagsisimula nating muli ng Dyaryo, sana ay makapagbigay ang marami sa atin ng maikling akda (kahit mga 200 words lang at the most, the more the better) tungkol sa masasabi natin about him bilang trubute sa ating mahal na Attorney Cosep. 

Ano ba ang magandang title ng Tribute?  Any suggestion? - Jun Miranda 


Comments